Saturday, August 18, 2012

SUKDULAN

Isang malaking katangahan
lagi na lang bang ganyan
pagod na din akong lumuha
lahat ng mura iyong nakuha.

Bakit ba ako nasasaktan?
Bakit ikaw pa ang natiyempuhan?
Halos siraan kita sa iyong kaibigan
gagantihan ng sukdulan.

Sino nga bang may kasalanan,
ako na nagbubulagbulagan
o ikaw na isang manloloko,
at puso kong sinira mo.

Tanga ba ko ng minahal kita?
At umasa sayong pagsinta
o talagang ipinanganak ka lang sa mundo
para manakit ng tao.

Galit ako sa ginawa mo!
Pero mas galit ako sa sarili ko;
kahit sa kabila ng mga panloloko,
ikaw pa rin ang sinisigaw ng hayop na puso ko!


-V-

No comments:

Post a Comment