Saturday, August 18, 2012

ft: PANGUNGULILA

Naghihintay sa takbo ng oras
pumapasok, lumalabas
natutulala sa iyong mukha
imahinasyon lang ang nakakakita.

Ikaw ang tanging dasl
kasalanan nga bang magmahal?
Ako ngayo'y pinarurusahan
pangungulilang dinadaanan.

Mata mong sumusuyo sa'kin
labing masarap angkinin
pagitan ng iyong mga daliri
hinahanap, 'di mawari

Alam kong kahit malayo ka
puso mo ang kinakanta
at sana paggising bukas
ngingiting walang wakas.


-V-

No comments:

Post a Comment