Saturday, August 18, 2012

HIRAM NA SANDALI

Mahabang gabing pinagsaluhan
tila mga ngiting pangmatagalan
sa isang kakapirasong espasyo
umaapaw ang kaligayahan ng tao.

Ngunit inog ng mundo'y kay bilis
tinig mong unti-unting numinipis,
naging kampante sa'yong piling
paglisan mo'y hindi hiniling.

Pagdilat ng mumunting mga mata
magisa na lang ako sa kama.
Alaala ng isang hiram na sandali
patak ng luha't mariing paghikbi.

Hanap ko init ng iyong puso
dalanging muli kang masuyo,
kailan ka ba ulit babalik sa'king bisig?
Nang muling maranasan dalisay mong pag-ibig.


-V-

No comments:

Post a Comment