Buhat ng ako'y namulat
sa mundo mong ipinakalat
ang dating kulay ititm,
lumiwanag ng taimtim.
Duon na nga nagsimula
mga ngiting tumutula
at ang tanging laman ng isip
makasama lahit sa panaginip.
Ngunit isang pagaalinlangan
ang salitang "kaibigan"
puso ba o pinagsamahan?
Ako ngayo'y naguguluhan.
Gusto kitang tawaging akin
pero takot na hindi mo mapansin
dahil ang mga simple mong gawain,
kumplikado para sa'kin!
Dapat ko nga bang sundin
ano ba ang iyong layunin?
Ikaw ang prinsipeng nakapiring
maging prinsesa mo,aking hiling.
-V-
No comments:
Post a Comment