Saturday, August 18, 2012

ft: SORBETES

Naalala mo pa ba?
nung isang beses nahumiling ka,
isang sorbetes sa apa
kapalit ng mumunting pera?
Iyong panahong nagdadalaga
kasama ang kaibiga't kabarkada
kanya-kanyang baso at kutsara
isang kahong sorbetes ang inyong handa?

ngayon nama'y dalaga na
kasama sa tabing ilog ang sinisinta.
Magkahati kayosa iisang apa,
nagsusubuan, naghaharutan, ngumingiti't tumatawa.

Paano bukas kapag nanay ka na?
bungang isang kasalanang napaaga,
haharapka ba sa anak mo ng nakatawa,
gayong walang tatay na magbibigay ng sorbetes niya?

-V-

No comments:

Post a Comment