Friday, August 17, 2012

BOTE

Sa bingit ng katahimikan
bunga ng poot na nararamdaman
dadampot ng bote at baso
sa mga kainuman makikisalo!

Maya-maya pa'y tatamaan na
kunwaring kaligayaha'y ipapakita
dumadaldal at nakikipagkulitan
hanggang problema na ang usapan!

Dito ko napagtanto
kung sinong nakikinig,  ang tapat at totoo,
kapagdaka'y lalapitan at aaluin
patak ng luha'y titiisin.

Buhat nga lang ba sa epekto ng alak
na ninais upang problema'y mawasak.
Ganito rin kaya ang prinsipyo nila
kaya't dumamay at nagpatawa?

kasunod nito'y katahimikan
ang poot kanina'y nahugasan
ng bote at baso ng isang kaibigan
kahit man lang sa inuman, maunawaan!

-V-

No comments:

Post a Comment