Tunay ngang iniibig ko ang taong ito,
kapalit ng katotohanang mamahalin ako.
Natiis ang mga araw na nagdaan
sa kanyang mata'y, ako bilang kaibigan.
Sino nga bang tunay na tao
kung iisipin ko ang kasinungalingang ito?
Masama bang maging maligaya
ako'y nangangarap, ako'y nagdurusa!
Ginaya ko ang asong sumusunod sa amo.
O 'di ba bagay! isang aso't isang tao!
Sa pag-asang matututunan niyang
mahalin ako't hindi manlinlang.
Nabubuhay ako sa kanyang ngiti,
kahit ang puso niya'y kalahati.
alam kong may pag-asa pa ako,
at balang araw, matutupad ang pangako!
Kahit ipagtabuyan ako ng kanyang kaibigan,
kahit harap-harapan akong ipagpalitan.
Kahit sa katotohana'y nahihirapan.
Sinungaling ako, kami'y nagmamahalan!Siya bilang aking kasintahan,
ako bilang kanyang kaibigan.
Ang masayang mundong ginagalawan
ay gawa-gawa lamang ba ng bigong isipan?
-V-
kapalit ng katotohanang mamahalin ako.
Natiis ang mga araw na nagdaan
sa kanyang mata'y, ako bilang kaibigan.
Sino nga bang tunay na tao
kung iisipin ko ang kasinungalingang ito?
Masama bang maging maligaya
ako'y nangangarap, ako'y nagdurusa!
Ginaya ko ang asong sumusunod sa amo.
O 'di ba bagay! isang aso't isang tao!
Sa pag-asang matututunan niyang
mahalin ako't hindi manlinlang.
Nabubuhay ako sa kanyang ngiti,
kahit ang puso niya'y kalahati.
alam kong may pag-asa pa ako,
at balang araw, matutupad ang pangako!
Kahit ipagtabuyan ako ng kanyang kaibigan,
kahit harap-harapan akong ipagpalitan.
Kahit sa katotohana'y nahihirapan.
Sinungaling ako, kami'y nagmamahalan!Siya bilang aking kasintahan,
ako bilang kanyang kaibigan.
Ang masayang mundong ginagalawan
ay gawa-gawa lamang ba ng bigong isipan?
-V-
No comments:
Post a Comment