Friday, August 17, 2012

ft: PAG-AMIN

Sa bawat gulong aking sinusuong
mga kamay mo ang laging katulong.
Sa bawat araw na lumilipas
hindi ka nawawala sa aking landas.

Minsan itinulak moko sa ibang tao,
dahil inaalala mo ang kaligayahan ko.
ngunit lingid sa sulok ng iyong isipan,
sa dami ng tao'y ikaw lang ang napusuan.

Oo inaamin kong mahal nanga kita
dahil lahat ng kagustuha'y sayoko lang nakita.
Kalakip nito'y isang tanong ng damdamin,
may pag-asa ba ako o sadyang lilimutin?


Ako'y natatakot sa iyong reaksyon
na baka lumayo't umiwas ng ayon.
pero tanging hiling ko sa Maykapal
huwag mo kong iwan at maging aking mahal.


-V-

No comments:

Post a Comment