Friday, August 17, 2012

ft: KALAHATI SA'YO, KALAHATI KANYA

Ang bawat tao ay dumadaan,
Sa matinding pag-ibig at pagmamahalan.
Ang lalaki sa babae at babae sa lalaki,
Nakakapanabik sadyang napakarami.

Pero sa mundong aking ginagalawan
Hapdi at kirot ang kinasasangkutan.
Paano ba naman ang aking problema,
“kalahati sayo, kalahati kanya!”

Lingid sa inyo ang aking kalooban
Para sa isang babae na aking nasilayan.
Pero kabiyak nito, nahati ang pagtingin
Para naman sa lalaking aking napansin.

Siguro ngayon naguguluhan ka,
Pero hiling sayo ay respeto at tiwala.
Ito ang aking kabuuang pagkatao;
Dalawang ilog,
Dalawang Bangka,
Iisang bangkero…
-V-

No comments:

Post a Comment