Friday, August 17, 2012

LIMOS

Kumakalam na sikmura, mabanto't na katawan
hindi alintana ang mukha'y madungisan
maputik na kuko't hubad na kalamnan
nakahiga sa malamig na semento ng lansangan.

Sa bawat taong nasisislayan ko
sa bawat matang nandidiri't di maamo
maya-maya'y may nahuhulog na balato
kalansing ng pera'y isa nang regalo!

Minsan nga'y  natanong ko sa kanya
bakit ako pulubi't hindi guminhawa?
kaya nga kahit sa musmos na pag unawa
sa mundong mapanglait, nakikisalamuha.

Siguro nga'y naiinggit ako
pangarap ko kasing makatuntong ng kolehiyo
o kaya isang bahay na may kwarto't isang banyo
iyun nga lang 'di matutupad, sadyang kumplikado!

Mayroon lamang po akong isang kahilingan
ang nanay ko, pakidala sa pagamutan
sapagkat ilang beses na kaming ipinagtabuyan
guminhawa lamang siya'y akin ng kaligayahan.

wala akong karapatang mabuhay ng matino
pero kayo'y may kakayahang limusan ako;
isang batang lansangang iniiwasan mo
kailan nga ba matututo, ang buhay ay mabago?


-V-
special thanks to richard dela cruz
for using this piece on teatro marikina

No comments:

Post a Comment