Friday, August 17, 2012

AKIN KA NA LANG

Muli na namang natulala
lahat sila, ikaw lang ang mukha.
Bakit parang tumitigil ang mundo,
tumatahimik sa tibok ng puso ko.

Ni ayaw kong kumausap ng iba
mas gugustuhing ikaw ang makasama.
Hinihintay mga mensahe mo
para makumpleto ang araw ko.

Mahirap nga dahil malayo ka sa'kin;
mahirap, dahil baka agawin.
Alam kong wala pa kong karapatan
tao ka, ako'y isang kahayupan.

Nanaginip ng nakamulat
kunyari na lang, pwede at dapat
na maging akin ka na lamang
walang labis, walang kulang.

Hindi man ako ang hanap mo,
hindi man magustuhan ang ugali ko
iisa lang ang tumatak sa aking isipan
muli akong umibig, ikaw na ang dahilan!

-V-

1 comment: