Ako'y sumasamo sa iyong puso
nakikiusap ang mga mata mo'y masuyo,
kapalit ng masarap na ngiti
sa aking isipan laging bumabati.
Ako nga ay isang hamak at kakaiba
sa iyong pag-ibig ako'y umaasa
nawa'y tanggapin itong mga kamay
lumilipad sa ulap, ikaw ang kasabay.
Ilang araw ko ding pinagiisipan,
ako nga ba ay dapat sa'yong harapan.
Alam kong magkaiba ang ating mundo,
handa akong tumakas sa aking palasyo.
Sino ba ako para sa iyo?
Dapat ba akong magkaganito
dahil simula ng makilala kita
isa na lang ang pangarap, ikaw ay makasama.
Mahal na nga kita sabi nila.
mahal na nga kita kahit ayaw ng iba.
at sa kabila ng sandamukal na katanungan...
mahal kita, walang pakialaman!
-V-
No comments:
Post a Comment