Dala ang lungkot sa sulok ng kwarto
hanap ang haplos ng boses mong maamo
mga tawag, hindi ko na naririrnig
hinahanap ng puso kong umiibig.
Patawad sa mga pagkukulang ko
sa mga oras na puso mo'y nalilito.
Panahon na dapat sa iyo naibigay
hindi makita sa pinid ng buhay.
Kulang ang lumuhod sa iyong harapan
ngunit ito ang parusang pinapatawan
lungkot ng kahapo'y biglang bumalik
masilayan ka, ako'y nasasabik.
Hindi man ito ang relasyong nais mo,
tandaan mong pinagsusumikapan ko.
Mahal kita saan mang sulok ng mundo
Mahal kita, anumang rason, hindi magbabago.
-V-
No comments:
Post a Comment