Friday, August 17, 2012

ft: MASKARA NI KALOG

Trip kong manloko, trip kong mamboso
Trip kong tumihimik,mangasar, manggago
Mahilig umarte, sumayaw ambisyoso;
magimik, magala, medyo sugalero

Minsan sensitibo, madrama, asungot;
Magagalitin minsan parang bangungot.
Palatawa, palakaibigan... palautot?
Makritiko, sumasagot,(hehe) nakakatakot.

Mahilig mamblackmail? mahilig sa hilig;
Rebelde propesor, biro'y tagadiligbaliw,
matino, balahura ang tinig;
seryoso, maharot, malinang ang tindig.

palaban,pasaway naku palaaway!
magulo, tamad, matalsik si laway.
mahiyain, matulain, mataas ang kilay;
pasensyoso, problemado... maginoong kikay!

Maaruy, malikot, matopak daw ito?
malikhain, basurahin (hoy!), lohikong totoo
mapagmasid, malawak pero bulag na aso;
maasal, mausal, paiba-ibang radyo.

May sungay at buntot, may ngipin din naman;
may pakpak, mabalahibo't medyo malaman;
iba ibang maskara mukha ko'y ginagamitan
MASKARA NI KALOG ang kinalalabasan!

at kahit ano pang mukha ang iharap ko,
hindi pa rin maikakaila ang tunay na pagkatao.
Ako'y isang kaibigan at kaaway mo.
Ako si ako...
...ng ako na ako...
...ni ako at ako...
...ay ako! Kuha mo?

No comments:

Post a Comment