Friday, August 17, 2012

ft: BANGKERO

Tulad ng mga taong nangahas
tulad ng mga ibong gusto ding lumabas,
ako ri'y isang lapidang walang pangalan;
walang nagmamay-ari, walang paggagamitan.

Sa pagtakbo ng araw at mabagal na buwan
Isang tanging pag-ibig na di inaasahan,
lulan ng dalawang bangkero sa dagat
nagsimulang lumayag, tinikman ang alat.

Ngunit ang dalawang bangkero'y iba
ang kapalarang dapat sa kanila
dahil pinilit magtagpo ang landas
sinuong ang pagsubok ng panahon at oras

Ngayong nakilala mo na ang iyong sarili
ako'y natutuwa sa buhay mo'y isinali
sa alon at unos at batong babangga
huwag ka sanang bumitaw saa ating bangka.

-V-

No comments:

Post a Comment