Ilang araw na lumipas
simula ng aking ibukas
nakapikit kong puso
na matagal mo nang sinuyo.
Isang libro ang naabutan
hindi ko alam kung kailan
walang titulo at lagda
pero kinuha ko ng kusa.
Dun na din nagsimula
mundo mo ay nakita
isang guhit ng ngiti
pagmamahalang hinabi.
Nasabi kong ako'y takot
sa nakaraan mong madamot
pero ikaw na rin ang nagtulak
ang lumipas ay winasak.
Nuon nagdesisyon kunin
ang puso mo at yakapin.
Tatlong beses ikinasal
'mahal kita' ating inusal
Duon ko naintindihan
ikaw na ang magpakailanman.
Ito ang ating unang pahina
susundan ng masmaraming alaala.
-V-
No comments:
Post a Comment