Nagsimula sa banatan
mga birong kaligayahan
pero kahit anong sabihin
pagibig mo ang mas pansin.
Patay na patay nga ako sa'yo
'di alam ba't nabuhay ng ganito
basta pagsilip ko lang sa pintuan
mukha mo lang ang inanigan.
Tapos nun puro kalokohan
kulitang hindi maubusan
kasalanan ko bang lumigaya
eh ikaw ang aking kasama?
Marami mang mga mata
pakialam ko, ako ba sila?
Bakit daw kita nagustuhan,
kailangan pa ba ng dahilan?
makulit, maharot at malandi
mga hindi naman normal na ugali
hindi ko naman kailangan ng perpekto,
gusto ko lang ng taong mapapasaya ko.
Ilan libo man ang alaala nila
Ilang pangit man ang sa atin humila;
kahit ilan na ang umangkin sa puso mo
ako lang ang 'badder' at huling magmamay-ari nito
dahil mahal kita at madamot ako!
-V-
-V-
No comments:
Post a Comment