Ako'y nakatingin, nakatanghod, nakatanaw;
tila inaamo'y ang simoy ng araw.
Ako'y nakakita at doon napatulala
napaisip, naalala ang sinag sa mukha...
Ako'y nagbihis, lumabas, tumakbo
kahit maputik at basa ang daang sementado.
Muling binalikan, sa ubod ng isipan
ang nagsilbing tanglaw ng aking kabataan.
Ako'y napatawa, naiyak, lumuha
sa tagpi-tagping bahay para lang sa dukha.
Ako'y lumapit, hinaplos ang puno
na dating matayog ngunit biglang gumuho.
Ako'y naupo, dininig ang bilin
at tinig ng punong minsang naging akin.
Doon napansin ang butas sa ugat
na minsa'y tinaguan ng isang alamat.
Kinuha ko iyon at aking minasdan
isang maskarang nabuo mula sa aking nakaraan.
sa init ng kasalukuyan, natunaw, nahulma;
nabuo ang anyo....
....Ako ng makilala.
No comments:
Post a Comment